BAGO sagutin ang tanong ni Celestine ay pinili na muna ni Elysse na maupo sa kulay kremang sofa nila roon. Batid din niya na nakasunod ang mga mata ng babae sa kanya. At nang sasagutin na niya ang tanong iyon mula kay Celestine ay siya namang pagbaba ni Carson mula sa hagdan. Kapwa sila napalingon sa anak nito.
βKanina ka pa po bang naghihintay dito?β Tinabihan siya nito sa kulay kremang sofa.
Umiling ang ginang. βHindi naman masyado.β Pagkasabi niyon ay naging malikot ang mga mata nito sa kanila. βAno nga pala ang sasabihin mo sa akin, anak?β
Bago magsalita si Carson ay hinawakan nito ang kanyang kamay. Hindi tuloy niya mawari kung babawiin iyon o hahayaan na lamang. Pakiramdam kasi niya ay may nanulay na init doon.
Si Celestine naman ay natuon ang mga mata sa magkahugpong nilang mga kamay. Nakita niya ang kaba sa mga mata nito habang nakatitig doon. Iyon naman ang bagay na lihim na ipinagdidiwang ni Elysse.
βElysse is pregnant and Iβm the father,β tuwid na turan ng lalaki sa ina nito.
Siya naman ay napahigpit ang pagkakahawak sa kamay ni Carson na ginantihan naman din nito ng pisil.
Celestineβs face became pale. βA-anoβngβ paanong…β Naging matalim ang ipinupukol nitong mga titig sa kanila at mas natuon iyon sa kanya. βAnoβng ginawa mo, Elysse?β
βMom, huwag mong isisi lahat kay Elysse. May mali rin ako.β
She just remained silent.
βNag-iisip ka ba, anak? How come na may nangyari sa inyo gayong kamamatay lang ng asawa mo?β
Tumaas ang kilay niya sa tanong na iyon ng ginang. Paano ito naging concern sa kapakanan ni Elizabeth gayong ito ang nasa likod ng depression ng kanyang kapatid?
βAt kailan mo pa balak sabihin sa akin ito? When youβre already the talk of the town? Oh, itβs good that I came here suddenly. Dahil wala akong kaalam-alam na ganito na pala ang pinagkakaabalahan mo.β
βWala naman akong balak itago sa inyo ito. Iβm just finding the right time to tell you this. And to hell I care about the world. Papanagutan ko ang ipinagbubuntis ni Elysse,β seryosong saad ni Carson sa ina nito.
Binalingan siya ni Celestine. βIkaw, Elysse. I gave all my trust in you. Iyon pala ay nakaabang ka rin sa anak ko!β
βMom!β saway ni Carson sa ina.
Subalit siya ay nanatiling walang emosyon at hindi na hinarap ang matatalim na tinging ipinupukol sa kanya ni Celestine. Kahit paano naman kasi ay guilty din siya.
βBakit, Carson? Hindi ba sobra ka lamang nalungkot noong nawala si Elizabeth kaya ka pumatol sa babaeng βyan?β Parang may martilyong pumukpok sa kanyang puso nang marinig iyon. βNi hindi ka pa nga nakakababang luksa!β Nagpupuyos ito sa galit at wala siyang magagawa pa roon.
βEnough, mom,β Carson pleaded. βHuwag mo namang pagsalitaan ng ganyan si Elysse. I am the one who blame into this. Biktima lang din si Elysse.β
βSo, what is your next move? Donβt tell me, youβre already planning your wedding with her.β She immediately understood the answer on her sonβs face. βOh! Goodness, gracious! Are you out of your damn mind, Carson?β
βBut, mom, I donβt want my children will be illegitimate. Their mine. Dapat ay panindigan ko sila. At least, you should be happy. We were expecting twins, mga apo mo.β
Celestine rose from the sofa. βEnough with this, Carson. Hindi ko matatanggap ito. Nawawala ka na sa tamang pag-iisip. Hindi ko alam kung ano ang ipinakain sa βyo ng babaeng iyan para patulan mo siya.β She pointed out her finger to her that makes her annoyed.
Pasalamat ito at kahit paano ay may kaunti pa siyang respeto rito.
Pagkasabi niyon sa kanya ay mabilis na nilisan ng ginang ang pamamahay na iyon. Siya naman ay napabitiw sa kamay ni Carson na kanina pa niya pinipisil.
Carson caught her face to look her straight. βIβm sorry for what my mother said to you. We knew that she was just shocked but sooner, she will accept us lalo na at magkakaapo na siya.β
Mapait siyang napangiti saka inalis ang sariling mukha sa mga palad nito. Itinuon niya sa sahig ang paningin. βHindi ganoon kadali ang inaasahan mo, Carson.β ‘Lalo paβt may kagagawan din siya sa pagkamatay ng ate ko.’
Kinabig siya ni Carson sa ulo upang yakapin at kaagad siyang nakaramdam ng kaginhawaan sa ginawa nito. Kahit paanoβy nabawasan ang stress na nararanasan niya ngayon.
βI know, honey. I know. But I wonβt give up on you. Iβll stay on your side kahit na si mom pa ang humarang.β
Para namang lumukso ang kanya puso sa sinabi nito. ‘Sana nga kahit malaman mo pa ang totoo.’
βYou know what? Doon ka na lang ulit sa kuwarto ko matulog.β
Hindi siya agad nakakibo. Hindi niya inaasahang sasabihin nito iyon bigla.
βPromise. I will let you sleep. Wala akong gagawin na mapapagod ka,β seryosong dagdag pa nito na ikinangiti niya.
βSira! Hindi iyon ang naiisip ko.β
βThen, what?β Gumuhit na rin ang ngiti sa mga labi ni Carson kasabay ng tila nangingislap na mga mata.
βWala. Sige na. Doon ulit ako matutulog. Pero sabi mo βyan, ha?β Mahinang nahampas ni Elysse ang dibdib nito. βMagbe-behave ka.β
Sunud-sunod ang naging pagtango nito at walang sabi-sabing pinangko siya nito patungo sa kanilang silid.
SA PAGGISING ni Elysse ay hindi na niya naabutan si Carson. Yes, she slept again with Carson in his room. Doon na siya natulog sa pangalawang gabi. Si Manang Zenny naman ang katabi ni Andres sa kuwarto nito. Sinabihan pala ni Carson ang matanda kagabi.
At dahil katabi niya ang lalaki kagabi ay nagkaroon siya ng isang magandang tulog. Tumupad din si Carson sa ipinangako nito sa kanyang patutulugin siya nang maayos subalit ginising naman siya ng kanyang sikmurang tila hinahalukay. Napatakbo siya sa sink in na nasa cr ng kuwarto nila at doon ay inilabas ang likido. Pagkatapos ng ilang sandali sa ganoong posisyon ay nanghihinang humugot ng tissue si Elysse. Tapos ipinunas niya iyon sa sariling bibig. Habang naglalakad pabalik ng silid ay laman ng kanyang isipan kung hanggang kailan niya mararanasan ang ganoong pakiramdam sa umaga.
Kahapon ay absent siya dahil sa kung anong oras na siyang nagising dahil sa sobrang pagod sa nagdaang gabi. Kaya naman ngayon ay pipilitin niyang makapasok sa trabaho. Nang tingnan niya ang cellphone upang alamin kung may importante bang mensahe roon ay hindi niya napigilang mapangiti. May mensahe pala si Carson sa kanya.
Good morning, beautiful mother of my babies. Kumain ka ng marami bago pumasok sa trabaho. Take care.
Pagkatapos niyang namnamin ang mensaheng iyon mula sa lalakiβy nagpasya na rin siyang mag-ayos at lumabas ng kuwarto. At dahil malapit na siyang mahuli sa trabaho ay napagdesisyunan na lamang niya na ibalot at baunin na lamang ang mga pagkain. Palabas na siya ng kusina nang makasalubong niya si Manang Zenny.
βHi, manang. Si Andres po? Nasa school na po ba?β aniya kasunod ng pagsulyap sa relong pambisig.
βHindi ko pala nasabi sa βyo, hija. Walang pasok ang bata ngayon sa school kasi hindi pumasok si Teacher Fe,β tukoy nito sa teacher ni Andres. βSiya nga pala, nandito ulit ang nanay ni Carson. Nasa verandah siya. Nandoon din si Andres.β
Sandaling natigilan si Elysse sa sinabi ng matanda. Subalit hindi na lamang niya ipinahalata iyon dito.
βSige po, manang. Pupuntahan ko na rin si Andres.β